
Ok, mga kaibigan ko sila close friends/besfriends na din. Partners partners ba? Ewan natutuwa lang ako sa kanila kasi parang nahanap na nila yung mga lalaki na para sa kanila, di ko man masabi na panghabang buhay na sila pero kasi ang saya saya nila kahit alam kong may mga pinagdadaanan din sila andyan parin matatag, ilan sa kanila ilang tao na, yung iba kakaumpisa palang, ung iba nasa kalahating taon na nagsimula.
Bakit ko ba sila naisipang iblog? Actually nagbbrowse lang ako sa news feed ko hanggang sa naalala ko silang lahat, isa isa kong tinignan mga profile nila masaya lang ako para sa kanila kasi masaya sila di din naman ako tutol sa mga boyfriends nila, (at nga pala yung mga babae ang mga kaibigan ko dyan) tas napaisip ako “Wow naman ang saya saya nila, ako naiwan na naman.” Haha pero ayos lang alam ko naman darating yung tamang panahon para sakin.
Habang tinitignan ko mga pictures nila nalungkot ako bigla, parang sobrang busy na nila lalo na yung dalawang picture sa ilalim, parang di na ako naalala. Drama ba? pero kasi namimiss ko na sila, seryoso tas habang tinatype ko to naiyak iyak pa ako. Bwahahaha!
Namimiss ko lang yung dati na lagi kaming magkakasama walang mga boyfriend boyfriend pa, ineenjoy lang ang School Life, ngayong nagkaboyfriend na sila ako nalang magisang nageenjoy ng School life ko. Pero mga mahal ko yan wag kayo. ♥ Haha
Hi girls, i miss yooou sobra! ♥