Grabe tong gabing to, hahaha! They made my day! Superb. Kaya sobrang mahal na mahal ko sila eh, sila yung mga taong pagnakausap mo kung san saang topic na pupunta, sila yung mga taong masarap kasama, sila yung mga taong masarap kausap, sila yung mga taong nailalabas sayo kung sino yung ikaw. Sila yung mga taong mahal na mahal ko kahit minsan nalang kami magkita kita.
Sila yung mga kaibigang hindi ka mahihiyang sabihing taeng tae ka na sa gitna ng pagiinuman niyo. Hahaha! Sila yung mga kaibigang kahit ibully ka nila buong araw, mahal ka pa din nila. Sila yung mga kaibigang hinding hindi mo makakalimutan sa buong buhay.
Wala kaming matinong picture neto kahit kailan, kahit isa wala! Pang jeje pose pa yung isa! hahaha! Hi girl happy birthday bitch! :>
18 ka na ambata pa pero mga 5 months lang naman ang kinabata mo sakin, hahaha! You know naman pag kailangan mo ng kaibigan na mapagkkwentuhan ng mga kalandian mo andito lang ako, yung tungkol sa mga papabols mo pero ngayon isa nalang ang papabol mo yiiie! Iniwanan mo ko parang tayong tatlo lang nila lileth nagddrama na walang lovelife dati, ngayon kami nalang ni lileth ganyan ka! Hahaha pero ayos lang alam ko namang masaya ka lul. Pashot na dalaga ka na eh.. Haha
Alam niyo ba 3rdyear highschool kami neto naging magkaclose at magkakilala, alam niyo din ba yung kwento ko nung bday ni janna yung tungkol sa COCC? Eto yun [x] Sa ganyang dahilan din kami naging magka close ninyang babaeng yan, at hanggang ngayon nagkikita pa din naman kami buwan buwan na nga lang o kaya pagnag kayayan uminom hahaha! Lasinggera yan eh chot! Haha!
Nga pala kung gusto mo magpaturo pano gumawa ng cupcake (para kay boylet) pumunta ka na lang dito pero bumili ka ng ingredients dahil out of stock na sa bodega ko! HAHAHA Jk. Ewan ko lang sayo kung kailan mo to makikita pero sige ibibigay ko sayo yung link neto baka sabihin mo di kita binabati!! Hahahahha. Happy Birthday uli fucker! Enjoy life ♥
Follow her @ http://quixoticnic.tumblr.com/
Love lots,
nagiintay ♥
Its her birthday! Happy birthday my tumblr buddy!
Tumblr buddy talaga? hahaha! Happy birthday bitch! So old 19 ka na parang kaka-debut mo lang tas ngayon magbbirthday ka uli at tumanda ka na uli ng isang taon. Tas parang schoolmate lang tayo noon sa sta na inaaway niyo ako kasi may kuto ako dati hahaha! Pero hanggang ngayon inaaway niyo pa din pero hindi na dahil sa kuto no! Tse! Hahaha.
Naging magka-close kami neto nung 3rd year highschool kami. Pano nga ba? Nung 3rd year kasi kami halos lahat ng ka-batch namin eh sumali sa COCC tas konti lang kaming natira sa section namin, sa tuwing may cocc pag-uwian konti nalang kaming matitira minsan nagpupunta kami sa bahay bahay ng mga ka-klase namin tas bibili kami ng pansit canton para lutuin halos araw araw ganun yata gawain namin eh, hanggang sa mga sumunod na araw nagiging close na kami nagsasabi siya ng mga sikreto niya minsan sakin ewan ko ba kung sikreto yun? Hahaha! Tas pag mabbadtrip siya lalapit siya sakin tas ako aasarin niya ganyan yan eh. Kaso halos di nadin kami ngakikita niyan once in a blue moon nalang simula nung nagcollege na kasi busy sa school pero nung huling kita namin nung get together nga. De, pero mabait yang babaeng yan minsan may pagkamaldita lang talaga hahaha!
Alam niyo bang etong babaeng to halos parang sabay lang kaming nakaalam ng tumblr nato hindi ko alam kung nauna siya eh mga 2009 na yata nun hanggang sa tag-aayos niya ko ng theme tse. Tas parehas yung URL namin kaso nga lang akin eh Sweetestbtch sa kanya naman Baddestbtch. Happy Birthday bitch! you know naman pag may kailangan ka lapit ka lang sakin, tignan mo pag gusto mo tumawa ginagawan kita ng gif! Hahaha! Happy Birthday uli! mwa mwa tsup tsup :>
Follow this bitch! @ www.baddestbtch.tumblr.com
Follow this bitch! @ www.baddestbtch.tumblr.com
Follow this bitch! @ www.baddestbtch.tumblr.com
Follow this bitch! @ www.baddestbtch.tumblr.com
Follow this bitch! @ www.baddestbtch.tumblr.com
Hi nagdate nga pala kami ng bespren kong si nani kahapon, balak kasi talaga namin magkaraoke kaso puro puno yung loob so nagtimezone nalang kami hihi. Enjoy lang kasi puro barilan nilaro namin tas racing tas dun sa speed of light paksyet ang sakit sa kamay! hahaha! Tas kumain kami sa burger king ♥ Niyaya ko kasi siyang lumabas dahil may hianaing sa puso, pero ok na naman sila ng boyfriends niya.. May picture pala kami galing timezone! :))

Tas niyaya naming sumama si reial kaso wala na daw siyang pera, arte lang pero malamang tinatamad lang siya nun, kaya pinuntahan nalng namin siya.. Dami niyang kwento eh. Pero namiss ko yung ganung usapan naming tatlo yung kwentuhang walang humpay kug ano ano nalng pinagkkwentuhan namin basta makadaldal lang kami, tas tawa pa kami ng tawa. Yung pinipilit naming hinaan yung boses namin kahit na sobrang lakas na.. Hahaha! Nakakatwa pero nakakamiss talag sila eh ♥ Dahil wala kaming picture kahapon ni bha,m eto nalang.. Haha!

Tawang tawa talaga ako sa reply sakin ni aya! binigay ko kasi sa kanya to oh LINK kasi gusto ko din ishare. Tapos yang reply niya talaga ang nakakatawa naalala ko nasa hospital pala siya. Hahaha! Minsan masaya mambiktima nga ganito no? Yung bang hindi lang ikaw ang nakakaranas ng gulat at nginig. Hahahaha!
Get Together ng Prudence
May 5, 2012 nagkita kita kami ng mga classmate ko nung 3rdyearhighchool gusto lang nila pumarty? O maginuman talaga at magkitakita narin. Dapat nga swimming to eh sa bulacan kaso mukhang nagkatamaran at malayo kasi kaya party nalang daw, get together ba para naman maraming makasama. Mga pag kain namin palabok, manok, barbeque, rice at yung Buttered toasted bread ni reial. HAHA At syempre di mawawala ang alak, duuuuh! Alak mawawala? Di nu? Haha.
- First set of pictures - Gpoy pics namin ni janna, parang ngang puro mukha namin ni janna ang nasa camera ni ana kasi di kami makakuha ng magandang pose. Haha!
- Second set of pictures - Kami padin ni janna nagpapasan kasi siya saakin nung una maayos pa di kami nalaglag, nung nagpabuhat uli siya sa likod ayun nahulog kami parehas parang baliw. Hahaha
- Third set of pictures - Si ana naman ang kasama ko dyan ang may ari ng bahay na yan, parang wala nga din kaming matinong picture neto ni ana! Haha!
Sila nga palang dalawa ang laging umaaway saakin sa twitter, seryoso binubully nila ako. :( HAHA! De joke lang. Pero yung totoo sila yung hampas ng hanpas saakin nun! Buti di ako nagkapasa, wala na ksi.
Naeexcite akong umalis ngayon kasi makikita ko uli yung iba kong mga kaibigan nung highschool kasi parang isang taon narin kami hindi nagkikita2 pag tapos ng mga debut nila. Naguusap nalang kami sa facebook eh o kaya sa twitter at palagi pa din nila akong inaaway kahit sa net lang, huhu. HAHA pero seryoso nakaka-excite talaga umalis kaso nakakatamad kumilos napakainit kasi tas parang wala na talaga akong damit pang alis. Hahaha!
Yiiie! Pero totoo namiss ko din sila, yehes naman! :))

Ok, mga kaibigan ko sila close friends/besfriends na din. Partners partners ba? Ewan natutuwa lang ako sa kanila kasi parang nahanap na nila yung mga lalaki na para sa kanila, di ko man masabi na panghabang buhay na sila pero kasi ang saya saya nila kahit alam kong may mga pinagdadaanan din sila andyan parin matatag, ilan sa kanila ilang tao na, yung iba kakaumpisa palang, ung iba nasa kalahating taon na nagsimula.
Bakit ko ba sila naisipang iblog? Actually nagbbrowse lang ako sa news feed ko hanggang sa naalala ko silang lahat, isa isa kong tinignan mga profile nila masaya lang ako para sa kanila kasi masaya sila di din naman ako tutol sa mga boyfriends nila, (at nga pala yung mga babae ang mga kaibigan ko dyan) tas napaisip ako “Wow naman ang saya saya nila, ako naiwan na naman.” Haha pero ayos lang alam ko naman darating yung tamang panahon para sakin.
Habang tinitignan ko mga pictures nila nalungkot ako bigla, parang sobrang busy na nila lalo na yung dalawang picture sa ilalim, parang di na ako naalala. Drama ba? pero kasi namimiss ko na sila, seryoso tas habang tinatype ko to naiyak iyak pa ako. Bwahahaha!
Namimiss ko lang yung dati na lagi kaming magkakasama walang mga boyfriend boyfriend pa, ineenjoy lang ang School Life, ngayong nagkaboyfriend na sila ako nalang magisang nageenjoy ng School life ko. Pero mga mahal ko yan wag kayo. ♥ Haha
Hi girls, i miss yooou sobra! ♥


